Wednesday, October 27, 2004

hulaan ang title!! (ala-maalaala mo kaya)

bigla naman akong napa-reminisce dahil sa ikinuwento ni ge sa akin kanina sa ym. naaaliw akong balikbalikan ang mga nangyari nung mga nagdaang taon! 5 months pa lang kami, pero ang tagal naming "in the making". hehehe. ibig sabihin, hindi kami love at first sight. it's far from that. siguro love after taking a second, erm, third... uhh, fourth look. you get the picture. ibig kong sabihin, hindi sa isang iglap lang nabuo ang "kami". hehehe. i'm enjoying this. :D magtatagalog ako para dramatic. hahaha.

unang umeksena si mr. abesamis sa aking buhay noong kami'y 2nd year H.S. pa lamang. siya'y galing UPIS. siya, kasama si carla, ay ang mga ipinadala ng kanilang eskwelahan upang maging exchange students sa aming mutyang rural. unang impresyon ko sa kanya: NERD. hahaha! at malalaman ko rin ngayong imed na ang unang impresyon din pala nya sa akin ay: NERD!

hindi kami masyadong naging close noon. paano ba naman, ang lagi niyang kasama dati ay si arnel, yung lalaking patay na patay sa akin! hahaha. dati, lagi kong iniiwasan si arnel. alam nyo na, nakakaasiwa kasi na alam mong may gusto yung isang tao sa iyo. normal lang naman yung ganon sa hayskul o sa elementary di ba? (ano bang tagalog ng elementary? i suck.) pero close na kami ni arnel ngayon. lumalayo na ko sa usapan. ang weird naman pakinggan kapag diretsong tagalog. ah basta.

ang naaalala ko pa noon, nagkagusto daw si gerald sa isa sa mga kabarkada ko. si hani! oo nga. hahaha! totoo ba yon ge?

ayun. pagkatapos ng ilang araw nang pamamalagi sa rural, dumating ang oras na kinailangan na naming mamaalam sa aming mga bagong kaibigan. (wow, i'm proud of this sentence! pang maalaala mo kaya!!!) binigyan namin sila ng aming batch shirt na kulay apple green tapos pinirmahan namin ito at sinulatan ng kung anu-anong mga mensahe. makikita ko muli yang apple green na kamiseta (shirt?) na yan pagdating ng intarmed.

pagkaalis nila, nag text text pa rin kami, pero nakalimutan na rin ang isa't isa pagkalipas ng ilang buwan... ipinagpatuloy na ang sari-sariling buhay.. at pag-ibig. (aaaah! i love this, this is soooo dramatic! ) di nagtagal, nabura na ang "gerald" sa phonebook ko.

halos dalawang taon ang lumipas bago kami muling nagkita. aba, at si gerald, intarmed din pala! di nakapagtataka, naisip ko. oo nga pala, nerd yon. hahaha! joke lang. :)

nasa college of dentistry ako nun, kasama si gideon at krista, mga kapwa ruralite na pumasa rin sa intarmed. nagkukwentuhan kami habang naghihintay ng aming dental check-up nang biglang may bumaba sa hagdan na MAINGAY! tiningnan ko. mukhang pamilyar ang lalaking ito ah. sabi ko kay gideon, di ba si geraRd yon? yung exchange student dati? subalit di kami nakakasigurado.

ang huling naaalala ko sa araw na iyon (tama ba 'to? my last memory of that day), nagkausap din kami ni geraRd. muling nagbalik si "geraRd" sa phonebook ko.

ayan, pasukan naaa!! unang semestre ng unang taon. noon ko lang naalala (kasi nirinig ko nung ipinakilala niya ang kaniyang sarili) na geraLd nga pala at hindi geraRd. hahahahaha!

parehong mahapdi ang aming mga puso noong unang semestre (heartbroken, wahahaha!). tanda ko, nagpapalitan pa nga kami ng mga "i miss you" at mga senti na mensahe sa text upang i-forward sa kanya kanya naming mga... hmmm... "nakaraan". (nice.)

kaya lang di pa rin kami masyadong close.. ako'y nakatira sa isang dormitoryo habang siya'y nag-uuwian naman. nanonood na kami ng mga kapwa ko dormers ng sine habang si gerald ay nasa biyahe na pauwi. hahaha! nakakapagod yon no! at na-realize din naman nya. kaya naman nung ikalawang semestre, nagdormitoryo na rin sya... at ka-dorm ko pa!

don na nagsimula ang aming pagkakaibigan. :D

natatandaan ko, noong bagong lipat pa lamang siya, may isang gabing ang tagaaaaal naming nagkwentuhan at nagtsismisan! simula noon lagi ko nang kakwentuhan si ge. aliw kausap, animated, malikot at nakakatawa! higit sa lahat, may sense kausap. at dahil nga ka-dorm ko rin sya, sabay na kaming umuwi, pumasok, ganon. di nagtagal, siya na ang lagi kong kasama... nag-aaral ng zoo, gumagawa ng reports, nag-aaral ng calc, etc! marami pala kaming parehong gusto at parehong ayaw. katulad ng pareho kaming mahilig kumain (aba, nagulat na lang ako nung minsang nasa ministop ako upang bumili ng meryenda! nandon din siya, naghahanap rin ng makakain! hahaha.), mamili ng mga damit, at kung anu-ano pa. at ayaw namin sa math. roar! may isang beses pa na nagkatuwaan kaming huwag mag-usap. ang maunang makipag-usap, talo! talo SIYA! bwahahahahahaha!! :D

pero noong mga panahon na iyon, wala lang yon. ;) ang lokohan nga namin dati, paano pag naging si gerald at maan? HAHAHAHAHA! tatawa na lang kami.

nag-iba ang ihip ng hangin nung minsang pumunta kami ng diliman upang saksihan ang dual meet ng rural at IS. kaming dalawa lang ang magkasama. at dahil ako ay walang kaalam alam sa pagbibiyahe noon (hanggang ngayon naman yata eh, di pa rin ako marunong pumunta ng diliman mag-isa... at ayaw din naman akong payagan mag-isa ng isang tao jan.), inihatid pa niya ako pabalik ng maynila. kakaiba naramdaman ko noong araw na iyon. parang... ang saya saya ko! at ayaw ko pang umuwi. gusto ko, nakasakay na lang sa kotse nya at lilibot lang kami kung saan saan. hahaha!

naguguluhan ako noon. at kinikilig na rin! hahaha! (tadaaaa. ayan, nagsisimula na ang mga mushy) di ko na nakayanan na itago sa sarili ko ang mga nararamdaman ko kaya't sinabi ko na kay sheng, ang aking roommate. hehehe. nagsimula na rin akong mag-save ng mga mensahe ni gerald na binibigyan ko ng meaning. (what i mean is, yung mga nakakakilig na messages, i placed them in a folder. nyaaaa!)

sus. alam ko naman noong mga panahong na yon na may nararamdaman na rin siya. ayaw lang sabihin. torpe!! :)

nahihirapan na akong magtagalog.

so ayun nga. ganon na kaming dalawa. alam namin pareho pero walang gusto na maunang umamin. hahaha. dumating ang bakasyon. pumunta ako sa korea. guess what? ka-chat ko siya araw-araw. pag-uwi sa pilipinas, walang nagbago. ganoon pa rin... ayan, summer classes na.

hanggang may isang maliit na insidente na nangyari... kung tutuusin, hindi pala maliit. iyon ang nagbago ng lahat. basta. hindi ako ang dapat magkuwento. si gerald ang concerned don. hehehe. sa mga hindi nakakaalam, tanong nyo na lang sa kanya... ewan ko lang kung sasabihin niya sa inyo! basta, sa aking parte, yun ang nakapagbigay sa akin ng lakas ng loob upang aminin ang lahat sa kanya.

and so inamin ko.

at inamin din nya.

nagkaaminan na!!

pero wala pa rin, ganon pa rin kami. :D ahahahahaha!

isang gabi bago ako umuwi sa sta. rosa dahil tapos na ang aming summer, magkachat na naman kami. tinanong na niya ko kung gusto ko na bang ituloy kung anuman ang namamagitan na sa aming dalawa. ang sagot ko: i'll tell you my decision pag nagkita na tayo ulit. ang sunod naming pagkikita? dapat sana ay sa reg na.

pero hindi eh.

kasama ni abe at kathy, ang aming dalawa pang super friends, pinuntahan niya ako sa sta. rosa!! may 22, 2004. isang sabado. makalipas ang dalawang araw noong huli kaming nagchat.

at syempre, tinupad ko ang aking pangako. sinabi ko ang desisyon ko.

OO. :)

kaya't eto, may entry akong ganito: ANG KWENTO NI MAAN AT GERALD. bow.

P.S. nahulaan nyo ba ang title ko? hindi no? wahahahaha!! :D ayun o, in bold, capital letters. korny. but i love it!

5 comments:

rald said...

ha! buti naman at nagkaenergy kang isulat ang almost-complete story natin. hehehe! in tagalog pa a! CLAP CLAP CLAP! :D

luv you baby!

verna said...

hello..nakakatuwa namang magbasa ng blog mo...heheh
aliw ^_^

maan said...

thank you sa lahat ng sumuporta sa kakornihan ko! hehehe, feeling ko naman awards night ng kung ano. :)

ge: tssss. anong sasabihin ko sa iyo? nyahahaha! alam mo na yon. :D

gdwn: i asked ge if we've met pero di pa daw. andon ka daw sa debut ni mere pero di ka naman pinakilala! hehe, wala lang. :D hope to meet you someday.

ate mimi: hehehe. sinabi ko na kay ge yung "he said" version. it's up to him... :)

verna: ang dami mong blogs di ko alam kung alin ang uunahin! hehehe.

Mela said...

Hello (:

Naaliw akong basahin.. Ahaha (: Pwede na pang movie. Uhuuyy!

-isa pang kapatid ni Gerald, pero mas bata. Hehehe :P

Anonymous said...

wekekekek.. shet, nakakatuwa naman kuwento niyo. :)

-gillibeaniebaby