sabi ko nga pala sa previous post ko na nararamdaman kong wala kaming pasok nung tuesday. meron pala, hihihihi. kagabi, di man lang pumasok sa isip ko na mawawalan kami ng classes ngayon. tsk, ang hina na ng psychic powers ko.
but you know what, i feel kinda guilty rin everytime na nagwwish akong walang pasok.. sasabihin ko pa, sana may bagyo bukas, sana walang pasoooook!! di ko man lang naisip na maraming namamatay, nawawala at nasakatan tulad nung bagyong katatapos lang... palibhasa kasi di masyadong ramdam dito sa manila or sa sta. rosa kapag bumabagyo eh. GUILTY!! waaah! pero ang lakas ni yoyong ano and it's kinda scary na. signal no.4?! exaj naman. kawawa naman yung mga hard hit areas....
kanina ko pa iniisip kung anong tagalog sa guilty... di ko maalala!!!!
ibang kwento naman. :D
had a long day yesterday. and the day before yesterday. hehehe. last tuesday night, ge, kathy, sheng and i prepared 40 crowns for our entire class. tapos nun, gumawa naman kami ng aming napakagandang banner! aba, di yata papatalo ang intarmed! at habang gumagawa kami ng banner, inaayos din namin yung paper namin for sts. ano ba yaaaan!!! kapagod. slept around 1 am na.
kinabukasan, ang aga ko pa rin gumising. kailangan kasing idistribute pa sa mga classmates yung mga props nila. hehehe. may kyoot yellow balloons pa kami!!! tingnan nyo!!!
THE MAKINGS OF A SUPER CLASS :)
hahahahaha!! pagtapos naman ng parade and opening program (which took up most of our morning), nagdecorate naman ang imed 2010 and 2011 ng MSU building. in fairness, ang ganda ng kinalabasan!! we had a hard time finding decors that would fit our small budget. still, may class naman yung kinalabasan ng dekorasyon namin! and laugh trip pa yung paggawa ng belen! kung anu-anong kalokohan ang pumapasok sa isip namin! bwahahahahaha! tingnan nyo na lang sa blog ni ge yung belen. tinatamad na akong maglagay pa ng pics. i swear, my internet's so bagaaaaaaaaal like 2 minutes mag load ang isang page. annoying!! don't buy BLAST internet card!!!
naalala ko na tagalog sa guilty. NAKOKONSENSYA. di ba? tagal kong inisip. :D
2 comments:
Ang daya niyo wala na naman kayong pasok! :D
angela
http://www.monochromecrystals.net
hello...
haay..kami me pasok pa rin dito sa lb...parang nasa ibang mundo...kasi di apektado ng mga annoucements...kung sabagay di pa naman malakas ang ulan dito at di rin sobrang lakas ng hangin...
...nung binabasa ko tong entry na'to naisip ko yung tagalog sa guilty ay nakokosensya..naisulat mo na rin pala sa hulihan..heheh ^_^
Post a Comment