nagsimula na kaming mag uniform last week. ooooh yes. ang pinakahihintay-hintay kong uniform ng dalawang taon sa wakas ay maisusuot ko na!!
but NO.
nung isinukat ko ang aking blouse ay isang mukhang BALYENANG NAKAPUTI ang aking nakita sa salamin.
paano ba naman kasi, tinanggal yung tacks ng blouse ko. para sa mga hindi nakakaalam, yung tacks ay mga tahi sa blouse na nagbibigay ng kaseksihan at korte na katawan.
at ang aking pants!!!!! mayguhlay!!! mukhang pyjamas. at eto pa, mas masikip pa ang mga pyjamas ko kaysa sa aking white pants.
eh di isinauli ko LAHAT ng aking uniform sa aking pinagpatahian para i-alter. after all, i (actually my parents) wouldn't just shell out P3500 for something i wouldn't dare call a uniform.
so antay antay ako ng 1 week habang inaalter ang uniforms ko...
after 1 week... TADAAAAAA!!
maluwag pa rin. both blouse and pants. RAWRRRRRRRR!!!!!!!!
at ang aking blouse, yung buttons ay malapit na sa nipples ko. RAAAAAAAAAAAAAWWWWWWWRRRRR! yung pants, kelangan ko pang lagyan ng clip dahil kung hindi ay mahuhubad sya sa akin.
pero kailangang pagtiisan required na kasi kaming mag-uniform ng linggong yun.
hmmm... iniisip nyo siguro ang arte ko no? well, YOU'RE RIGHT! maselan talaga ako sa mga damit. yung simpleng pampasok ko sa araw-araw nung naka-civilian pa kami takes a lot of planning. isipin nyo na lang, 5 taon kong isusuot yung uniform na yun! hindi ko talaga matatake kung pangit syaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!! waaaaaaaaaaaahhhh!!! two years kung inantay antay tapos biglang PANGET PANGET PANGET!!
ohhhhhhmmmm. i'm calming down now.
after a SERIES OF ALTERATIONS (ummm, like 5 siguro) my pants are okay. pero sa mga blouses wala na talagang magagawa.
buti na lang naawa sa akin ang nanay ko. NAGPATAHI NA AKO NG BAGONG UNIFORMS. pero syempre, hindi na sa dati kong pinagpatahian dahil sobrang nadala na ako sa kanila. nakakainit talaga ng ulo.
LESSON LEARNED: huwag magpapatahi kung saan marami nang nagpapatahi.
PS. i've got the sniffles. sana hindi maging full-blown ubo at sipon!!! big exam on anatomy and physiology of muscles and bones on friday. AND cadaver dissections also this week. wag nyo na akong lapitan kung makikita nyo ko. the stench of death. i heard it clings on your clothes... skin... nails... and hair... but i can't say that i'm not excited!!
so yun, ta-ta for now! next entry would probably be about my first patient, aka mr/ms cadaver.
No comments:
Post a Comment