Sunday, July 10, 2005

uniform blues

nagsimula na kaming mag uniform last week. ooooh yes. ang pinakahihintay-hintay kong uniform ng dalawang taon sa wakas ay maisusuot ko na!!

but NO.

nung isinukat ko ang aking blouse ay isang mukhang BALYENANG NAKAPUTI ang aking nakita sa salamin.

paano ba naman kasi, tinanggal yung tacks ng blouse ko. para sa mga hindi nakakaalam, yung tacks ay mga tahi sa blouse na nagbibigay ng kaseksihan at korte na katawan.

at ang aking pants!!!!! mayguhlay!!! mukhang pyjamas. at eto pa, mas masikip pa ang mga pyjamas ko kaysa sa aking white pants.

eh di isinauli ko LAHAT ng aking uniform sa aking pinagpatahian para i-alter. after all, i (actually my parents) wouldn't just shell out P3500 for something i wouldn't dare call a uniform.

so antay antay ako ng 1 week habang inaalter ang uniforms ko...

after 1 week... TADAAAAAA!!

maluwag pa rin. both blouse and pants. RAWRRRRRRRR!!!!!!!!

at ang aking blouse, yung buttons ay malapit na sa nipples ko. RAAAAAAAAAAAAAWWWWWWWRRRRR! yung pants, kelangan ko pang lagyan ng clip dahil kung hindi ay mahuhubad sya sa akin.

pero kailangang pagtiisan required na kasi kaming mag-uniform ng linggong yun.

hmmm... iniisip nyo siguro ang arte ko no? well, YOU'RE RIGHT! maselan talaga ako sa mga damit. yung simpleng pampasok ko sa araw-araw nung naka-civilian pa kami takes a lot of planning. isipin nyo na lang, 5 taon kong isusuot yung uniform na yun! hindi ko talaga matatake kung pangit syaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!! waaaaaaaaaaaahhhh!!! two years kung inantay antay tapos biglang PANGET PANGET PANGET!!

ohhhhhhmmmm. i'm calming down now.

after a SERIES OF ALTERATIONS (ummm, like 5 siguro) my pants are okay. pero sa mga blouses wala na talagang magagawa.

buti na lang naawa sa akin ang nanay ko. NAGPATAHI NA AKO NG BAGONG UNIFORMS. pero syempre, hindi na sa dati kong pinagpatahian dahil sobrang nadala na ako sa kanila. nakakainit talaga ng ulo.

LESSON LEARNED: huwag magpapatahi kung saan marami nang nagpapatahi.

PS. i've got the sniffles. sana hindi maging full-blown ubo at sipon!!! big exam on anatomy and physiology of muscles and bones on friday. AND cadaver dissections also this week. wag nyo na akong lapitan kung makikita nyo ko. the stench of death. i heard it clings on your clothes... skin... nails... and hair... but i can't say that i'm not excited!!

so yun, ta-ta for now! next entry would probably be about my first patient, aka mr/ms cadaver.

Saturday, July 02, 2005

im alive!!!

promis, soo-wer, i'll blog when my new phone line gets installed. i moved to this new apartment kasi eh so no internet muna unless i go wi-fi at 2nd flr calderon hall (main building of UPCM). kaya lang hirap bitbitin everyday ng laptop!! and most of the time after day-long lectures all i want to do is go home and rest.

yeah. 8-5 classes are draining. especially if there's just so much information overload EVERY FRIGGIN TIME.

we had our first exam last tuesday. que horor! enough said.



ang hirap ng pinasok ko.

Saturday, June 11, 2005

just an update

sorry, blog. although a lot has been happening to me in the past few weeks, i just don't feel like sharing... better keep all those emotions to myself. for now.

Sunday, May 29, 2005

wicked!!

syet. sobrang laugh trip nito promise. maybe you need a fast internet connection but wadaheck! go see it.

natawa ka ba? :D if you appreciated it COMMENT! hahaha. and spread the laughter . pinoy comedy!

Friday, May 27, 2005

usapang med (at future) ulit

*** parang kasasabi ko lang kagabi na wala akong masabi. hehehehe. salamat kay peter at nagkaron ako ng idea!

+++
may nag-email kasing kaklase ko. si peter nga. at nagreact siya tungkol don sa isang balita kagabi sa tv patrol. may isang doktor na naisipang mag nursing. actually, lumang balita na yung pagkuha ng nursing ng mga doktor. eto ang bago: intarmed yung nasabing doktor na yon!

hindi ko masyadong napanood yung balita na yon. nag-iinternet na ako nun actually ng biglang tawagin ako ng mommy ko. dahil nga sa balita na yun. dahil intarmed sya. at baka kakilala ko daw. well, hindi ko sya kakilala.

para sa akin, may dalawang klaseng doktor: yung gustong tumulong at gustong yumaman. sabi nga ng isang doktor na teacher namin (hindi ko na maalala kung sino), hindi ka yayaman sa pagdodoktor. pero, hindi ka rin naman magugutom. sa dami ba naman ng mga nagkakasakit at uri ng sakit ngayon, napakalaki ng "market" ng mga doktor. yung mga mayayaman daw na doktor, either mayaman na sila sa simula o kaya ay sinuwerte talaga (most probably binigyan ng blessings ni God dahil sila ay tumutulong. di ba?).

balik tayo dun sa balita. sa akin, kanya kanya lang yan. hindi siguro siya nakontento sa kung anong meron siya ngayon. kaya ayun, nag-nursing. mahirap talagang isipin ang nobility, patriotism, at kung anu-ano pang selflessness kung ang pag-uusapan na ang survival. lalo na kapag may sarili ka ng pamilya. mabuti sana kung mapapangalagaan ng gobyerno ang sarili mo at ang pamilya mo. pero noooo. napakahirap na bansa natin. may pag-asa pa kayang umunald ang pilipinas???

ang hindi ko lang maintindihan sa doktor na yun ay kung bakit siya lantarang lumabas sa tv. hindi ba nakakahiya yon sa college of medicine? at sa sarili na rin niya! hindi kaya isipin ng mga tao na "hindi siguro magaling itong doktor na ito kaya nag-nursing na lang..."?

+++
dumaan din ako sa phase na naisip ko na hindi talaga ko aalis sa pilipinas at dito ako magppractice. sa sobrang go go go alma ata! ba naman ni dr. cordero nung fch namin last sem! hehehe. pero mukhang magbabago ang isip ko. naeenganyo akong sa ibang bansa mag-residency eh. oo, mas malaki ang kita don. pero iniisip ko din na baka mas marami din akong matutunan. haaaay ewan. ang hirap talagang tumira sa third world na country. pero mahal ko pa rin ang pilipinas. :) sa bagay, 5 taon pa naman bago ako magdecide.

dalawang bagay lang ang sigurado ko:
1. mag-aaral ako ng mabuti
2. ayoko talagang mag-nursing. i have nothing against nurses, or nursing. sa katunayan nga, halos lahat ng mga pinsan kong college eh nursing ang course. it's a matter of personal decision and conviction. dahil ako, ayoko ng inuutos-utusan.

snippets:
- aba, magjujudge ako ng beauty contest dito sa subdivision namin! wahahahaha! bukas yata yon.
- ang saya ng barakada overnight namin nung monday. nag magic-sing kami. medyo 6 na oras lang naman kaming nanganta! napaos ako. hahahaha. nakatatlong 100 naman ako. :D pagtapos manganta, nagchikahan lang kami hanggang 6 am!
- napanood ko na rin yung starwars episode III: revenge of the sith. hmmm... mas maganda pa yung mga naunang starwars. pano ba naman kasi, na-obscure na nung gazillion action scenes yung story. hanga naman ako sa starwars. parang na-bridge nya kasi yung generation gap! yung mga episodes 4-6 mommies and daddies natin nakakarelate tuloy sa episodes 1-3 babies (that's us!)
- pero gusto ko talaga ng light saber eh. ang astig kasi nung tunog nya pag ano bang tawag don, ino-on? hahaha!
- at gusto ko rin ng master yoda na stuffed toy. yeah i know, he doesn't exactly fall in the kyut category but there's this certain softness in his face that makes me just want to hug him! yeah, i'm really weird-o like that. :p
- sana si bo na lang nanalo. pero katulad nga ng sabi ni gerald, bo can make it on his own, without the AI crown.

i guess next update will be when i'm back in manila. that is, kung hindi pa putol yung bayantel ko. 2 months ding hindi ako nakabalik ng dorm!

Thursday, May 26, 2005

nothingness

wala akong ma-blog ngayon. kung kelan naman busy ang week ko at nakakalabas ako ng bahay wala akong masabi. tamad na naman ako. hehehe. ano nga bang ginawa ko ngayong mga nakalipas na araw? marami. haaaay. tinatamad talaga ako, sorry. nagpaparamdam lang akong buhay pa ako. :D

Sunday, May 22, 2005

may gusto lang akong sabihin...

HAPPY ANNIVERSARY HONEY!
salamat sa isang taong pagmamahal and a whole lot more. :)