+++
may nag-email kasing kaklase ko. si peter nga. at nagreact siya tungkol don sa isang balita kagabi sa tv patrol. may isang doktor na naisipang mag nursing. actually, lumang balita na yung pagkuha ng nursing ng mga doktor. eto ang bago: intarmed yung nasabing doktor na yon! hindi ko masyadong napanood yung balita na yon. nag-iinternet na ako nun actually ng biglang tawagin ako ng mommy ko. dahil nga sa balita na yun. dahil intarmed sya. at baka kakilala ko daw. well, hindi ko sya kakilala.
para sa akin, may dalawang klaseng doktor: yung gustong tumulong at gustong yumaman. sabi nga ng isang doktor na teacher namin (hindi ko na maalala kung sino), hindi ka yayaman sa pagdodoktor. pero, hindi ka rin naman magugutom. sa dami ba naman ng mga nagkakasakit at uri ng sakit ngayon, napakalaki ng "market" ng mga doktor. yung mga mayayaman daw na doktor, either mayaman na sila sa simula o kaya ay sinuwerte talaga (most probably binigyan ng blessings ni God dahil sila ay tumutulong. di ba?).
balik tayo dun sa balita. sa akin, kanya kanya lang yan. hindi siguro siya nakontento sa kung anong meron siya ngayon. kaya ayun, nag-nursing. mahirap talagang isipin ang nobility, patriotism, at kung anu-ano pang selflessness kung ang pag-uusapan na ang survival. lalo na kapag may sarili ka ng pamilya. mabuti sana kung mapapangalagaan ng gobyerno ang sarili mo at ang pamilya mo. pero noooo. napakahirap na bansa natin. may pag-asa pa kayang umunald ang pilipinas???
ang hindi ko lang maintindihan sa doktor na yun ay kung bakit siya lantarang lumabas sa tv. hindi ba nakakahiya yon sa college of medicine? at sa sarili na rin niya! hindi kaya isipin ng mga tao na "hindi siguro magaling itong doktor na ito kaya nag-nursing na lang..."?
+++
dumaan din ako sa phase na naisip ko na hindi talaga ko aalis sa pilipinas at dito ako magppractice. sa sobrang go go go alma ata! ba naman ni dr. cordero nung fch namin last sem! hehehe. pero mukhang magbabago ang isip ko. naeenganyo akong sa ibang bansa mag-residency eh. oo, mas malaki ang kita don. pero iniisip ko din na baka mas marami din akong matutunan. haaaay ewan. ang hirap talagang tumira sa third world na country. pero mahal ko pa rin ang pilipinas. :) sa bagay, 5 taon pa naman bago ako magdecide.dalawang bagay lang ang sigurado ko:
1. mag-aaral ako ng mabuti
2. ayoko talagang mag-nursing. i have nothing against nurses, or nursing. sa katunayan nga, halos lahat ng mga pinsan kong college eh nursing ang course. it's a matter of personal decision and conviction. dahil ako, ayoko ng inuutos-utusan.
snippets:
- aba, magjujudge ako ng beauty contest dito sa subdivision namin! wahahahaha! bukas yata yon.
- ang saya ng barakada overnight namin nung monday. nag magic-sing kami. medyo 6 na oras lang naman kaming nanganta! napaos ako. hahahaha. nakatatlong 100 naman ako. :D pagtapos manganta, nagchikahan lang kami hanggang 6 am!
- napanood ko na rin yung starwars episode III: revenge of the sith. hmmm... mas maganda pa yung mga naunang starwars. pano ba naman kasi, na-obscure na nung gazillion action scenes yung story. hanga naman ako sa starwars. parang na-bridge nya kasi yung generation gap! yung mga episodes 4-6 mommies and daddies natin nakakarelate tuloy sa episodes 1-3 babies (that's us!)
- pero gusto ko talaga ng light saber eh. ang astig kasi nung tunog nya pag ano bang tawag don, ino-on? hahaha!
- at gusto ko rin ng master yoda na stuffed toy. yeah i know, he doesn't exactly fall in the kyut category but there's this certain softness in his face that makes me just want to hug him! yeah, i'm really weird-o like that. :p
- sana si bo na lang nanalo. pero katulad nga ng sabi ni gerald, bo can make it on his own, without the AI crown.
i guess next update will be when i'm back in manila. that is, kung hindi pa putol yung bayantel ko. 2 months ding hindi ako nakabalik ng dorm!
No comments:
Post a Comment