Sunday, May 01, 2005

huling pamamaalam

Yakiii! As if ang tagal naman naming hindi magkikita ni Gerald! Hahaha. Siguro ngayon ay nasa Singapore na sila habang inaantay ang connecting flight nila papuntang US. Naalala ko tuloy ang Singapore days ko … Noong bochog at manang pa ako. Bwahahaha!

Anyway. Bago ko pa maiba ang usapan.

Noong Thursday pumunta kaming ATC kasama sina Ants, Tara, Kathy at Abe. Muntik nang hindi matuloy ang plano naming panonood ng Can This be Love (korni na kung korni!). Paano naman kasi, coding ang mga sasakyan namin pati kina Ge at Kathy. Buti na lang at available yung van ni Ants! (Thanks Ants!) Sinundo nila ako dito sa Sta. Rosa at inihatid na rin nung gabi. May aksidente pang nangyari sa akin nung papunta na kami sa ATC. Habang hinahanap ko yung suklay ko sa aking kikay kit, bigla na lang akong napaaray dahil may masakit na tumusok sa aking thumb. Pagtingin ko ditto, dumudugo na ng malakas at may malalim na hiwa! Ansakit! Buti na lang at hindi ako takot sa dugo at siguradong mahihimatay na sana ako sa dami ng dugong lumabas sa daliri ko. Ayun pala ay napalagay yung blade na nakapatong sa dresser ko sa loob ng aking kikay kit. Mga aksidente nga naman.

Hindi ako nagandahan sa Can This be Love. Korni na kung korni pero korni talaga. Konting eksena lang ang nakakatawa’t nakakakilig. Mas maganda ba ang Bcuz of U. :p Suckers kami ni Gerald sa mga cheesy/mushy movies. We’re korni like that.

Kinabukasan (Friday) ay ang scheduled “adventure” naming ni Ge sa Munting Buhangin Beach Camp sa Nasugbu, Batangas. 10:30 am na siya nakarating ditto sa Sta. Rosa dahil dumaan pa siya sa CM (College of Medicine) para kuhanin ang gaming mga grades o TCG. Kaya lang, na-implement na rin pala ang 4-day work week sa CM. Sayang. MAKIKITA KO NA SANA ANG UNO KO SA ZOO 30. Yeah right.

Bakit adventure? Ang haba kasi ng biyahe. Road trip ngang tunay. Buti na lang at maganda na ang kalsada at hindi masyadong traffic papunta doon. Kaya naman around 2 o’clock ay narating na naming ang gaming destinasyon. May stop-over pa yun sa 7-11, Paseo de Sta. Rosa at Tagaytay ha! Magpipiktyur piktyur sana kami sa Tagaytay eh kaya lang foggy yung lake. Hindi rin kita ang bulkan. Nang-aakit ang Starbucks dahil sobrang init kaya lang wala kaming pera eh, hehehe. P2000 lang ang pera namin at ang P700 ay napunta pa sa gas!

Pagdating doon, naghiga-higa lang muna kami sa banig at sobraaang init para magtampisaw sa beach. Nangitim na nga sa CDO, baka maging tutong na kami.

Image hosted by Photobucket.com

Pagkatapos tumubog sa tubig nang ilang minuto, naghanap kami ng mga mini dikya a.k.a diklets (hahaha!) sa may batuhan. Sabi kasi ng kapatid ko, marami daw doon, pati sea cucumber. Ngunit wala naman kaming nakita kundi isang maliit na crab. Crablet pala. LOL.

At dahil ako’y sadyang accident-prone nowadays (napadpad ng anod sa CDO, nahiwa ng blade), nadapa pa ako sa madudulas na bato!
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
ayan. diyan ako nadapa!

6 o’clock na nang umalis kami ng Munting Buhangin. :)

Pauwi, ay dumaan ulit kami ng Tagaytay para mag dinner sa Carlo’s Pizza. Kumain kami ng Abruzzi (flavor ng pizza, puro meat ang laman), Canelonni (pasta na mukha namang crepe talaga) at masarap na chicken fingers with large cut fries. Sarap talagang kumain. Burp.

Inihatid na ako ni Ge sa bahay at nagpalipas muna sya ng traffic doon. Friday madness kasi eh. 11:30 na nang kami’y namaalam sa isa’t isa. At pinaalala ko na ang mga hinihingi kong pasalubong sa kanya. Jowk lang. :)

Pag kasama mo ang mga taong mahal mo, kahit wala kayong gingawa, enjoy pa rin di ba? I 100% agree.

P.S Bakit kapag tagalog napaka-drama talagang pakinggan?

No comments: