Saturday, October 23, 2004

stuff

whatever comes to mind..

nagpunta ang mga kabarkada ko dito. wala kaming ginawa kundi magkwentuhan... at kumain ng chocolates, cheetos at chocolate cake! pagkatapos kumain, isa't kalhating oras ng kwentuhan! di muna kami aalis sa aming kinauupuan. ayan tuloy, tinan nyo nangyari sa isa kong kabarkada..



pwede ng mag spoof ng ad ng anmum ano? wahahahahaha!! peace lorena. maganda ka naman eh. :p

eto pa ang ibang pictures ng aming overnight . hehehe. wala kaming ibang camera kundi ang aming mga camera phones kaya halinhinan na lang sa pag pose at sa pagkuha. actually, tinatamad akong magsulat kaya puro pictures na lang muna.



left to right, top to bottom: yours truly, lorena, joanne and jenni



ang plato-pinggan triad. bakit? kasi pag sila nagsamasama, kasing tunog ng mga nagkakalansingang plato at pinggan ang mga boses nila. in short, MAINGAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY! hehehe. di kami nagkasya sa pikytur na yan.



ang bestfriend kong si lorena. nag aala-marina! hahaha! game na game 'to kahit saan kaya masayang kasama. tinan nyo naman!



at kami naman ay nag-ala jasmine pa! :)

ang saya talaga! kahit ano, pwedeng pag-usapan! kaya lang, lagi yatang napapadpad sa love life ang usapan. bakit ba laging ganon? at di rin nawawalan ng ghost stories. kaya ayan, sobrang duwag na talaga ko.

namiss ko talaga ag aking barkada. marami pa akong di nakikita.. sila padeys, tam, ters, jaffy at hani. kaya next week pupunta akong elbi!

iba naman...

punta na naman akong atc kahapon. finally at na-xray na rin ako! may mga pictures pa. aba, at kung kelan wala lang at tumingin lang ako sa camera don pa naging matino ang piktyoor ko! sorry ha, malabo, kasi pinicturan ko lang yung picture. aliw ako sa pic na yan. ipaparecopy ko nga eh (sa mga gustong humingi!!!). buti na lang may negative.



WANTED: Maan de Castro

say aaaahhh!! actually, konting aaaah lang daw. i opened my mouth wide kaya tapos sabi, "konti laang". shit. kahiya.



mukhang mugshot ano? ay hindeee, mukhang batang inosente. mukha daw akong grade 6 sabi ng kapatid ko. sabi pa ng mom ko mukha daw akong bata na nawawala.

hwehehehe. dumating kami don sa clinic around 10am. 30 mins lang, tapos na ako. hahaha! nung pinipiktyuran ako mukhang csi ang eksena! hahaha! yung dentista, naka white coat. naka gloves. at may camera!! wahahahahaha! eto pa isang piktyoor. wag matatakot! ako lang yan! shit, i swear, sobrang nabulatlat ang bibig ko. na-devirginize na tuloy! iba't ibang angle kinuha. ouch.



so ayun nga. 30 mins lang ako. kaya lang 11:30 pa daw makukuha ang resulta. so what to do? naglibot-libot muna kami ng mom ko. sabi ko sa sarili ko bago kami pumasok ng mall, WALA AKONG BIBILHIN! at paglabas ko ng mall...



tadaaa!! 1 skirt at 5 blouse. di na kasya yung skirt sa piktyur. nyahaha. fake lang po lahat yan.



yung nike shirt ko, 350 lang. yung mga plain na blouse, 90 each lang. amazing! at yung skirt, 350 lang din! kung sa bayo ko yan nabili, almost 900 na yan. di na talaga ko bibili sa mahal. kakapanghinayang.

to kathy...

i bought bra din. pareho talaga tayo ng ginagawa ngayong sembreak. see? great minds think alike. and gorgeous people act alike! nyahahahaha!

ayan. wala na akong masabi. belated happy birthday master and lyle kahapon!!! si angie din, belated happy birthday rin (oct.19). love ya!

oops meron pa pala. kahapon ay isa sa mga araw namin. :) yay! kaya maglalagay ako ng pic namin ulit.



sa subic, zoo field trip. di pa kami nan.

ayun lang! bow. bakit feel kong magtagalog ngayon? hehehe.


No comments: